Wednesday, June 24, 2009
21 ruLes ni BoB oNg!
Tatlong libro ni Bob Ong palang ang nababasa koh sa buong buhay koh. Una ung Stainless Longanisa na ang naging reaction koh eh parang blog lang kahit hindi koh pa talaga alam kung ano ung blog eksakto, fourth year high school yata ako non. Sa pinsan koh ung libro, kasama ung MacArthur. Una kong binasa ung stainless at buti naman hindi koh na nabasa pa ung MacArthur kasi baka tuluyan kong bilhin lahat ng libro ni Bob Ong. Tapos ayon, after isang taon (buong 1st yr college ko), hindi na koh nakahawak ulit ng book ng malokong si Bob Ong. Ngayong buwan nalang ulit ako nkabasa ng mga akda niya. Yung Kapitan Sino, tska paboritong libro ni hudas ung napagtripan ko (kasi un lang ung nahiram koh). Then, after ilang siglo, binisita ko ung facebook account koh at nakita koh itong 21 rules ni Bob Ong na inicomment sa akin ng nanay ng kaklase kong itago nalang natin sa pangalang mama boye(naku lagot ako, tama ba tohng name nia?). Sabi sa post niya, copy-paste lang din daw toh, ewan koh kung saan, siguro from outer space. Gaya-gaya ako e, kaya eto pinost koh din sa blog ko at literal na copy-paste ito, inaamin ko! (I would like to thank facebook for inspiring me to open my blog account again and post something something . And also to mama boye ) Ayon, kung gusto niyong maniwala na talagang copy-paste lang toh, punta nalang kayo ito : 21 rules ni Bob Ong . At wag na natin pang pataglin tohng ka-ekekan sa unahan ng post koh ....

Redirecting to 21 Rules ni Bob Ong . . . . .




1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para

mahalin ka niya.”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4. “Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..
Dapat lumandi ka din.”


7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na hindi mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ung pangalawa. Kasi hindi ka naman
magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga
lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo..
Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi,
pa-fall o paasa.”


12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba
ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha
dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng
tao higit sa anuman.. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan
nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay,
kasi hindi ikaw ang priority.”


14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ung bida sa
script na pinili niya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”


17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng
hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, huwag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang
na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari
sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Pakawalan mo ung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka
nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at
iniwan ka na ng kasiyahan mo.”


20. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo. Gamitin
ang utak para alagaan ang sarili mo.”


21. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka,
it’s either by accident or talagang tanga ka.

Labels: , ,

posted by beloved @ 10:27 AM  
0 Comments:

Post a Comment

<< Home
 
 
About Me


Name: beloved
Home: Tokyo, Japan
About Me:
See my complete profile

Previous Post
Links